Ang Aries
Ipinanganak ka sa ilalim ng zodiac sign na Aries kung ang kaarawan mo ay nasa pagitan ng March 21 hanggang April 19. Ang mga Aries ay tapat magmahal kaya hindi ka mangangamba nilolokohin ka lang niya kapag sinabi niya sayo ang salitang mahal kita talagang kaya niya iyong panindigan. Bukod pa rito ay kahanga-hanga ang lakas ng loob ng mga Aries. Gagawin niya talaga kung ano ang gusto niya. hinydi siya magpapa-distract sa mga negtibong tao. Hindi siya makakaramdam ng takot na baka mabigo lang siya. Alam niya kasi na mas walang mangyayari sa kanyang buhay kapag pinairal niya ang karuwagan. Kaya kailangan maging matapang sila. Mas makukuha rin naman kasi nila ang swerte kapag positibo silang mag-isip. Kung may kaiinisan sa mga Aries iyon ay ang pagiging sobra nilang tapat sa kanilang mga sinasabi. Maaari kasing masaktan ka. Sabi ko nga, tapat ang mga Aries. Kung ganoon, lahat nang lalabas sa bibig niya ay pawang mga katotohanan lamang. Truth hurts, ika nga. Saka ng...