Ang Aries

 Ipinanganak ka sa ilalim ng zodiac sign na Aries kung ang kaarawan mo ay nasa pagitan ng March 21 hanggang April 19. Ang mga Aries ay tapat magmahal kaya hindi ka mangangamba nilolokohin ka lang niya kapag sinabi niya sayo ang salitang mahal kita talagang kaya niya iyong panindigan. 

Bukod pa rito ay kahanga-hanga ang lakas ng loob ng mga Aries. Gagawin niya talaga kung ano ang gusto niya. hinydi siya magpapa-distract sa mga negtibong tao. Hindi siya makakaramdam ng takot na baka mabigo lang siya. Alam niya kasi na mas walang mangyayari sa kanyang buhay kapag pinairal niya ang karuwagan. Kaya kailangan maging matapang sila. Mas makukuha rin naman kasi nila ang swerte kapag positibo silang mag-isip.

Kung may kaiinisan sa mga Aries iyon ay ang pagiging sobra nilang tapat sa kanilang mga sinasabi. Maaari kasing masaktan ka. Sabi ko nga, tapat ang mga Aries. Kung ganoon, lahat nang lalabas sa bibig niya ay pawang mga katotohanan lamang. Truth hurts, ika nga.  


Saka nga pala ang mga Aries din mabilis magbago ng kanilang mood. Kung minsan napakamasayahin nila, maya-maya, bigla na lang tatahimik na para bang may nagawa kang kasalanan sa kanya. Hay naku, kapag ganoon ang isang tao talagang nakakainis siya. Parang sala sa init, sala sa lamig.


Syempre, lahat naman tayo ay may pagkakaiba. May mga katangian at kapintasan na kailangan nating tanggapin at kung mahal ka rin ang isang tao manggagawa niyang mahalin pati ang kakulangan mo. Wala naman kasing perpekto sa mundong ito, lahat may sobra lahat may kulang.


Para mas maintindihan mo ang ugali ng isang tao kailangan mong alamin kung ano ang kanyang zodiac sign. Syempre hindi lang doon magtatapos ang pagtuklas sa kanyang ugali at sa kakayahan. Kailangan mo ring malaman kung ano ang petsa ng kanyang kapanganakan. 


Sa mga susunod na artikulo natin doon natin ibubulgar ang mga nakapaloob sa zodiac sign at sa birthday.


Comments

Popular posts from this blog

Gabay ni Madam