Gabay ni Madam

Hello, mga Kampon.

Pasensiya na kayo kung ‘kampon’ ang ginamit kong salita at hindi ang mga katagang kaibigan, kasangga o kung anumang magagandang salita na okay sa pandinig. Pinili ko ang salitang ito dahil na rin hindi lahat ng nilalang ay naniniwala sa hula, kababalaghan at pamahiin. Gayunpaman mga kampon hindi lang naman dito naka-focus ang ating Gabay ni Madam maaari rin akong magbigay ng payo sa mga nangangailangan lalo na syempre sa pag-ibig at career pero syempre kakailanganin ko rin ang inyong kaarawan. 

Bakit?

Sa kaarawan ninyo kasi nakabase kung paano ko ipapahayag ang mga payo na lalabas sa akin dahil iba-iba ang ugali ng mga tao at makikita yun syempre sa petsa ng inyong kaarawan. Ito ang rason kaya sigurado ako na hindi lahat ng tao ay gugustuhing basahin itong aking Gabay ni Madam. At dahil gustong-gusto ko rin talaga ang pagsusulat ng mga nobela maaari akong magbahagi sa inyo ng love story ng horror story at kung ano-ano pang istorya na makapagbibigay din naman ng gabay sa inyo. 



Kung nais ninyo na may makakausap o masasabihan ng problema maaari kayong sumulat sa akin maari rin kayong kumontak kung gusto ng pribadong Gabay ni Madam. Marami kasi sa atin ang talagang nangangailangan ng gabay lalo na at nag-iisa siya parang walang kakampi sa buhay at nais na ipadama ni Gabay ni Madam na kahit na anong uri ng nilalang ka pa maaari kang magabayan.

Hangad ko na ma-enjoy ninyo ang Gabay ni Madam. 




Comments

Popular posts from this blog

Ang Aries