Posts

Showing posts from December, 2024

Ang Aries

Image
 Ipinanganak ka sa ilalim ng zodiac sign na Aries kung ang kaarawan mo ay nasa pagitan ng March 21 hanggang April 19. Ang mga Aries ay tapat magmahal kaya hindi ka mangangamba nilolokohin ka lang niya kapag sinabi niya sayo ang salitang mahal kita talagang kaya niya iyong panindigan.  Bukod pa rito ay kahanga-hanga ang lakas ng loob ng mga Aries. Gagawin niya talaga kung ano ang gusto niya. hinydi siya magpapa-distract sa mga negtibong tao. Hindi siya makakaramdam ng takot na baka mabigo lang siya. Alam niya kasi na mas walang mangyayari sa kanyang buhay kapag pinairal niya ang karuwagan. Kaya kailangan maging matapang sila. Mas makukuha rin naman kasi nila ang swerte kapag positibo silang mag-isip. Kung may kaiinisan sa mga Aries iyon ay ang pagiging sobra nilang tapat sa kanilang mga sinasabi. Maaari kasing masaktan ka. Sabi ko nga, tapat ang mga Aries. Kung ganoon, lahat nang lalabas sa bibig niya ay pawang mga katotohanan lamang. Truth hurts, ika nga.   Saka ng...

Gabay ni Madam

Image
Hello, mga Kampon. Pasensiya na kayo kung ‘kampon’ ang ginamit kong salita at hindi ang mga katagang kaibigan, kasangga o kung anumang magagandang salita na okay sa pandinig. Pinili ko ang salitang ito dahil na rin hindi lahat ng nilalang ay naniniwala sa hula, kababalaghan at pamahiin. Gayunpaman mga kampon hindi lang naman dito naka-focus ang ating Gabay ni Madam maaari rin akong magbigay ng payo sa mga nangangailangan lalo na syempre sa pag-ibig at career pero syempre kakailanganin ko rin ang inyong kaarawan.  Bakit? Sa kaarawan ninyo kasi nakabase kung paano ko ipapahayag ang mga payo na lalabas sa akin dahil iba-iba ang ugali ng mga tao at makikita yun syempre sa petsa ng inyong kaarawan. Ito ang rason kaya sigurado ako na hindi lahat ng tao ay gugustuhing basahin itong aking Gabay ni Madam. At dahil gustong-gusto ko rin talaga ang pagsusulat ng mga nobela maaari akong magbahagi sa inyo ng love story ng horror story at kung ano-ano pang istorya na makapagbibigay din naman ng g...